Skip to main content

Posts

Digmaan sa Isip

Nakasaad sa Bibliya ang mga digmaan na dumaan at darating sa hinarap. Naririnig din natin sa radyo at TV ang mga digmaan na nagaganap sa ating paligid at sa buong bansa. Ang ating hukbong sandatahan o kasundaluhan ay naghahanda sa maaring mangyari sa anumang oras o lugar. Subalit mayroong digmaan na di natin lubos makita at nasa ating isipang lang ito. Halimbawa na lang nito ay mga relasyon nasisira dahil sa di naaayus na pagkakaunawaan nang kapatiran o nang mga kapamilya. Habang tumatagal, ito ay lumalaki at lumalawak ang pagka sira nito. Maraming maapektuhan dulot nang di pagkaka unawaan ng bawat isa. Kaya nga malaking kontribusyon ang bawat isa sa paglaganap at nang pagpapanatili sa kapayapaan at kalayaan. Dito nasusukat ang bawat kupunan sa lipunan. Kung ito man ay nasa pang gobyerno o sa simbahan. Marami tayong nakikita sa ating paligid na sa kasalukuyan ay dumadaan sa pagsubok na ito. Sana tayo ay maging ilaw ang gabay nang mga tao naghahanap nang kapayapaan at

Paano pumili nang kanta para sa araw nang pagsamba (Sunday Service)

Kung ikaw ang worship leader sa susunod na Linggo, nakapili ka na ba nang mga kanta? Ilan ang mga kanta ang nasa isip mo ngayun? Kumpleto ba ang mga kasamahan mo sa team? Ito lang po ang mga ilan sa mga katanungan na dapat isaalang-alang nang ating mga Worship Leader. Kung  ikaw ay baguhan pa lamang o may experience na sa worship leading, ito ay mga sumusunod na mga bagay na dapat bigyan nang pansin ng bawat alagad ng Panginoon. 1. Hanapin ang kalooban nang Diyos sa iyong mga kanta Dito tayo kumukuha nang lakas at kumpyansa sa pamamagitan nang paglapit sa Diyos at manalangin sa kanyang kalooban. Wala na itong pabigat o hirap gawin kasi gagabayan tayo nang Panginoon sa pagpili nang kanta para makapasok siya ating mga puso. Doon pa lamang sa pag samba sa kanya, lalapit na ang Banal na Espirtu. 2. Alamin ang buod nang bawat kanta Kung alam mo ang mensahe nang kanta at kahit sa anong parte nang kanta kaya mong ipahiwatig at ipahayag ang iyong damdamin na mayroong kahusa

H.E.A.R.T. of Worship Team

Gusto ko sanang ipahayag sa tagalog ang natutunan ko sa pagiging member nang Worship Team sa aming lokal na simbahan. Natutunan ko ACRONYM sa HEART at isang Pastor sa Music ang naturo sa amin nung mga panahon na bata pa ako. hehehe. Sana magamit ito at hikayatin ang iba na magkaroon nang PUSONG maka-Diyos. Sa English version ng HEART H - Humility (Mapagpakumbaba) Si Lucifer ay isang Musikero, nasa kanya lahat nang instrumento para makabuo nang tinig at ang buong kalingatan ay nagdiriwang at sumasamba sa Diyos Ama. Ngunit siya ay nagkasala sa kanyang puso at naging mapaghitaas at gusto niya pumantay sa Diyos na Makapangyarihan. Subalit ito ay di maaari dahil hindi siya Diyos siya ay nilikha lamang nang Diyos Ama. Di nag pakumbaba c Lucifer at kalaunan siya ay tinakwil nang langit at naging si satanas. Pagpakumbaba  ay isang katangian nang isang magaling at epektibong musikero para sa Panginoon at pinapakita niya nito sa anumang sitwasyon, di lamang sa simbahan o sa maram

Gitarista sa Worship team

Pag nakapasok na ang isang bagong gitarista o miyembro sa worship team, ito din ay may nakalaang mga gawain na dapat niyang sundin. Iba't iba ang mga palutuntunin nang bawat Worship team ng mga simbahan. Upang maging epektibo at lumalim pa ang pananampalataya sa Panginoon Hesus, ito po ay mga suhesyon lamang at hindi po ito nangangahulugang lubos na sundin nang lahat nang mga sumasamba sa ating Diyos. 1.  Prayer Life Ito po ay mahalagang bagay nang bawat miyembro nang worship team sa kanyang paglalakbay kasama ang pananampalataya niya. Hindi mag tatagumpay ang mga nasa Worship team kung wala ang prayer life. Pinagkukunan natin nang lakas bawat araw ang ating Panginoon, sa pamamagitan nang panalangin na tulungan niya tayo sa mga pagsubok. Kahit gaano kahirap ang hinaharap natin, lumuhod at ibigay natin ang ating pag alala sa Panginoon. Kailangan po nating panatilihin ang komunikasyon sa Panginoon sa bawat sigundo nang ating buhay. Magbigay tayo nang panahon para sa ating

Ang pagiging Worship Minister

Ang pagiging membro nang worship team ay seryosong bagay na dapat tuonan nang pansin. Hindi ito labanan nang mga talento sa pagkanta o talento sa pagtugtug nang instrumento, ngunit tayo ay tinawag nang Panginoon sa gawain na ito. Hindi lahat nang musikero ay para sa worship team, madami tayong kakilala na mas ginusto pa nilang tumugtug sa mga restaurant at bar kaysa sa paglingkod sa Panginoon. May ibang tao, ito naman ay hanapbuhay at diyan sila kumikita. Sa bawat tao, ang Panginoon ay naglaan ng panahon para tayo ay lalapit sa kanya. Naniniwala ako na may panahon din na sila ay tatawagin nang Panginoon at maglingkod sa kanya. Marami din tayong mga kaibigan na sumali sa worship team na may talento ngunit hindi sila nanatili sa team kasi may iba sila gustong gawin. Siguro di nila nakita ang tunay na kahalagahan at kaligayahan sa paglingkod sa Diyos.  Ito ang aking nakikitang benepisyo sa pagiging Worship Minister: 1. Ang pagiging sundalo nang Panginoon sa musik

Gaano ka kadalas mag praktis?

Bilang isang membro nang worship team, mayroong maliit na hamon sa akin para mag praktis sa drums. Wala akong sariling drums set. Ito ay nasa simbahan lang. Gusto ko sanang bumili ngunit medyo may kamahalan. Mayroon akong iniiponan, di ko pa priority ang drums set. Dito pumapasok ang PRIORITY. Alin ang uunahin kasi ang dami natin dapat gawin sa pang araw-araw na pangangailangan. Nakakapanood ako nang mga magagaling pero sa tingin ko may pera siguro yung mga taong iyon. Pero hindi eh. Mali ang aking pananaw. Mayroon dapat ibahin sa aking paniniwala. Ang praktis kasi para sa akin ay natututo araw-araw or yun bang sa bahay mo ginagawa ang pag papapraktis. Para pag dumating ang sabado, araw nang praktis kasama ang team, halos kuha mo na ang kailangan sa pagpalo kon saan. Tip: Maglaan nang isa hanggang dalawang (1-2 hours) oras araw-araw. Kasama na doon ang pakikinig sa gusto mong style na gagamitin mo. Ito yung sekreto nang mga magagaling.

Bakit tayo naghihintay nang matagal

Bakit ang tagal? Halos siguro sa atin naka tanong sa sarili "bakit ang tagal?" Maraming sitwasyon sa ating buhay kung bakit ang tagal nang sweldo, ang ating hinihintay na sagot sa ating nililigawan, sagot nang Panginoon sa mga ating panalangin at iba pa. Bakit kaya?  ...... ...... ....... ....... ......... ......... ........... ........ ...... ....... ....... ......... ......... ........... ........ ...... ....... ....... ......... ......... ........... ........ Kailangan po natin talagang maghintay sa ating panahon.. Kailangan po nating pahabain ang ating pasensya.. Gaya nga nang mga bata, di po dapat natin ipaubaya ang susi nang saksakyan baka ma disgrasya. Dito mundo, marami pa tayong mga tanong na di pa mapaliwanag nang tao. Siguro sa tamang panahon may kasagutan ang lahat. Hintay hinay din pag may time..

The prayer of JABEZ

Magandang Araw! Sa di pa po naka basa nito. Ito ay storya ni Jabez na matatagpuan sa 1 Chronicles 4:9-10. Panoorin po ang video. Ito ay panalangin nang isang tao sa ating Panginoon na dumaraan nang paghihirap.  Ngunit ang Panginoon ay nakatanaw sa kanya. Tulungan nyo po akong maipahayag sa mga tao itong video na ito. Sana makatulong ito at maihatid sa mga taong nangangailangan nang pag-asa.

Bakit ako late sa praktis nang team?

Bakit ako late sa praktis nang team? Natanong na po ba ito sa inyong sarili? Marahil ay madalas itong nang yayari sa atin o sa ating mga kasamahan sa grupo. Ngunit bakit nga ba tayo na ay na le-late sa praktis..? Kung di man ito madalas mangyari sa araw-araw, ito ay ating mapapansin sa mga aktibidadis na panglingguhan o sa mga weekly schedule natin. Sa mga event po weekly, ito ay na set na schedule at maagang inanunsyo. Marami tayong kaibigan na nag papaalala sa atin. Ang sagot sa tanong na ito ay nasa PAG UUGALI na natin. Masakit po makarinig nang sermon ng ating mga kasamahan kung tayo ay laging late at mapagsabihan. Agree po ba kayo dun? Medyo may kurot sa ating puso na nagsasabing may mali tayong nagawa. Alam po nating sa ating sarili ay may naagrabyadong tao dahil na late tayo. Sana ganun yung feeling na may pagkukumbaba sa sarili at sabihin ang dahilan. Lahat naman po ay na leleyt at may matibay na rason. Pero kung ito ay madalas na nangyayari.. Hmmm. Es

Akoy Malaya na - Ablaze Worship Team Lyrics

PLAY ALL  Ako'y Malaya na! Alipin ng kasalanan Walang patutunguhan Puno ng kabiguan Ginapos ng Kahirapan Pag asa'y naglaho na Ngunit si Kristo'y nakilala Ako'y kinalagan N'ya Marapat lamang isigaw KORO: Ako'y malaya na kay HESUS Katagumpayan ay hawak ko na Di na nanaisin pa Ang Mundo ni minsan pa Kaysarap maging malaya Kaysarap maging malaya Kay Hesus More Lyrics PLAY ALL 

I will praise you Lord

"I will praise you, Lord, with all my heart; I will tell of all the wonderful things you have done." Psalm 9:1 GNT I'm still amazed of what God has done in my life. Daily challenges may sway me a little bit but the grace of GOD sustains me to declare his wonderful things he has done. Matter of fact His Word has the sustain power for us to be able to face our daily lives here on earth. Every time I see GOD's creations, I can't help to praise and give thanks to the Lord. Even in a simple success, I thank GOD for it. Though I felt helpless, however, I felt great when I think of GOD which He can do. I always listens to Christian Music and Filipino worship songs and my heart just went to worship GOD everywhere. So today, declare your love to GOD by worship Him in Spirit and in Truth through the music He poured out to His people. Sabay-sabay tayong manalangin at magpuri para sa Panginoon.

Walang Maikukumpara - Ablaze Worship Team with Lyrics

Walang maikukumpara Lyrics

Romans 8:6 - Kapayapaan o Kamatayan

Ang pagsunod sa Hilig ng Laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Romans 8:6 Ang dali po nating gawin ang lahat ng ating gusto, ngunit ito po ay may kabayaran. San man tayo pumunta, di man tayo nakita nang ibang tao pero mayroong Diyos na nakatanaw sa atin. Lalong-lalo na ang Banal na Espiritu. Itong salita nang Diyos ay ating isa puso at kailangan nating pigilan ang ating sarili sa kapahamakan na dulot nang ating payak na paniniwala. Ito naman po ay nagbabala sa atin na kailangan din na may kasamang sakripisyo sa sarili. Totoo pong tayo ay nasa ating makasalanang estado kung pagbabasihan ay ang pagtanaw sa ating ng Panginoon, ngunit hindi nangahuhulugan na tayo ay walang magagawa. Meron po. Nasa ating ang kontol ng ating  sarili. Nasa ating ang desisyon. Mahirap po talaga, lalong-lalut na kung nalipon po tayo ng makamundong pag iisip at gawain. Subalit, may Diyos na tutulong sa oras ng ating

Salmo 91:3 - Tiyak tayo ay ililigtas

Ablaze Worship - Salmo 91:3 "Sa panganib at bitag ika'y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas." Salmo 91:3 Sa araw-araw nating ginagawa, tayo po ay manalangin na patnubayan tayo nang Panginoon at ilayo sa kapahamakan. Tandaan po natin itong bersikulong ito. Tignan ang aming musika sa youtube: https://youtu.be/C8ZmKkumLLw

Tiyak na Gantimpala

Tiyak na gantimpala Ito po ay paalaala sa lahat na mag mayroon tayong ginawang mabuting sa ating kapwa tiyak na may mabuting mangyayari satin. Sabi ng Banal na Kasulatan kung anong ang ating itinanim ay siya ring ang ating aanihin. Sa Ecclesiastico 12:2, sinasabi dito na may gantimpala na naghihintay sa atin kapag may ginawa tayong kabutihan sa mga maka-Diyos na tao. Kung mayroong kayong kakilala na tunay na maka-Diyos at naglilingkod sa Panginoon at sa kapwa, wag kayong mag alilangan sa pagtulong o ano mang serbisyo ang ating mabigay. Dahil doble po ang ating matatanggap, sa tao at sa Diyos. Patnubayan po tayo nang Panginoong Hesus. Kung mayroon kayong suhetsyon at idagdag. Pwede po kayong mag iwan nag mensahe at iba pa. Magtulongan po tayo sa pag palaganap ng Mabuting Salita ng Diyos. Kahit sa ating sariling wika gamitin natin ito. Simple lang po ating hangarin, makatulong at mabahagi ito sa makakabasa.