Bilang isang membro nang worship team, mayroong maliit na hamon sa akin para mag praktis sa drums. Wala akong sariling drums set. Ito ay nasa simbahan lang. Gusto ko sanang bumili ngunit medyo may kamahalan. Mayroon akong iniiponan, di ko pa priority ang drums set.
Dito pumapasok ang PRIORITY. Alin ang uunahin kasi ang dami natin dapat gawin sa pang araw-araw na pangangailangan. Nakakapanood ako nang mga magagaling pero sa tingin ko may pera siguro yung mga taong iyon. Pero hindi eh. Mali ang aking pananaw. Mayroon dapat ibahin sa aking paniniwala.
Ang praktis kasi para sa akin ay natututo araw-araw or yun bang sa bahay mo ginagawa ang pag papapraktis. Para pag dumating ang sabado, araw nang praktis kasama ang team, halos kuha mo na ang kailangan sa pagpalo kon saan.
Tip: Maglaan nang isa hanggang dalawang (1-2 hours) oras araw-araw. Kasama na doon ang pakikinig sa gusto mong style na gagamitin mo. Ito yung sekreto nang mga magagaling.
Comments
Post a Comment