Gusto ko sanang ipahayag sa tagalog ang natutunan ko sa pagiging member nang Worship Team sa aming lokal na simbahan. Natutunan ko ACRONYM sa HEART at isang Pastor sa Music ang naturo sa amin nung mga panahon na bata pa ako. hehehe. Sana magamit ito at hikayatin ang iba na magkaroon nang PUSONG maka-Diyos.
Sa English version ng HEART
Si Lucifer ay isang Musikero, nasa kanya lahat nang instrumento para makabuo nang tinig at ang buong kalingatan ay nagdiriwang at sumasamba sa Diyos Ama. Ngunit siya ay nagkasala sa kanyang puso at naging mapaghitaas at gusto niya pumantay sa Diyos na Makapangyarihan. Subalit ito ay di maaari dahil hindi siya Diyos siya ay nilikha lamang nang Diyos Ama. Di nag pakumbaba c Lucifer at kalaunan siya ay tinakwil nang langit at naging si satanas.
Pagpakumbaba ay isang katangian nang isang magaling at epektibong musikero para sa Panginoon at pinapakita niya nito sa anumang sitwasyon, di lamang sa simbahan o sa maraming tao kundi ito ay isasabuhay niya. Sabi nga nang Banal na Kasulatan na sa Mateo 23:12 "Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas." Galit ang Panginoon sa mapagmataas na tao kaya nga mapapahiya ang mga ganitong mga tao kasi akala nila dahil sa kanilang sariling kakayahan at tagumpay na umaasa lang sa kanilang sarili. Ito din ay may hangganan at di magtatagal. Alam nang Diyos ang bawat nasa puso nang bawat tao.
Sa bawat araw sa kanyang buhay, dapat ito ay makikita sa gawa. Sa kanyang pagiging tagapangasiwa nang kanyang buhay at mga bagay dito sa mundo na may takot sa Diyos. Ito ang dahilan nang mga umaasenso sa buhay dahil sa ugaling may tapat at mahusay na paniniwala. Ang pagiging responsable ay pasan nang taong may matagumpay na buhay. Nasa kayauhan nang Diyos ang pagiging mahusay sa lahat. Kaya nga dapat natin tularan ang Panginoon. Halimbawa na lamang, ano ang pipiliin mong panoorin, ang nag praktis nang matagal at na master ang pag gawa o mga baguhan na puro daldal na lamang at di naman nakita ang kanilang mahusay na pagka gawa. Kumbaga di ibinibigay ang lahat nang makakaya. Kaya di tayo dapat ganun mga kapatid. Ibigay natin ang ating 100% para sa Panginoon.
May responsibilidad ang bawat isang tao sa kanyang kapwa tao lalong lalu na sa ating mga kapatid sa worship team. May responsibilidad tayo sa ating mga instrumento na dapat linisin bago gamitin at ilagay sa tamang lalagyan para hindi madaling masira. Responsibilidad natin ang ating sarili na maging mahusay sa lahat nang bagay. Resposibilidad nating ang maglingkod sa Panginoon nang buong puso at katapatan.
Abangan po ninyo ang susunod na post. Kung meron kayong katanungan, ibahagi sa mga kumento. Salamat po.
Sa English version ng HEART
H - Humility (Mapagpakumbaba)
Si Lucifer ay isang Musikero, nasa kanya lahat nang instrumento para makabuo nang tinig at ang buong kalingatan ay nagdiriwang at sumasamba sa Diyos Ama. Ngunit siya ay nagkasala sa kanyang puso at naging mapaghitaas at gusto niya pumantay sa Diyos na Makapangyarihan. Subalit ito ay di maaari dahil hindi siya Diyos siya ay nilikha lamang nang Diyos Ama. Di nag pakumbaba c Lucifer at kalaunan siya ay tinakwil nang langit at naging si satanas.
Pagpakumbaba ay isang katangian nang isang magaling at epektibong musikero para sa Panginoon at pinapakita niya nito sa anumang sitwasyon, di lamang sa simbahan o sa maraming tao kundi ito ay isasabuhay niya. Sabi nga nang Banal na Kasulatan na sa Mateo 23:12 "Ang nagmamataas ay ibababa, at ang nagpapakumbaba ay itataas." Galit ang Panginoon sa mapagmataas na tao kaya nga mapapahiya ang mga ganitong mga tao kasi akala nila dahil sa kanilang sariling kakayahan at tagumpay na umaasa lang sa kanilang sarili. Ito din ay may hangganan at di magtatagal. Alam nang Diyos ang bawat nasa puso nang bawat tao.
E - Excellent (Mahusay / Eksperto)
Sa bawat araw sa kanyang buhay, dapat ito ay makikita sa gawa. Sa kanyang pagiging tagapangasiwa nang kanyang buhay at mga bagay dito sa mundo na may takot sa Diyos. Ito ang dahilan nang mga umaasenso sa buhay dahil sa ugaling may tapat at mahusay na paniniwala. Ang pagiging responsable ay pasan nang taong may matagumpay na buhay. Nasa kayauhan nang Diyos ang pagiging mahusay sa lahat. Kaya nga dapat natin tularan ang Panginoon. Halimbawa na lamang, ano ang pipiliin mong panoorin, ang nag praktis nang matagal at na master ang pag gawa o mga baguhan na puro daldal na lamang at di naman nakita ang kanilang mahusay na pagka gawa. Kumbaga di ibinibigay ang lahat nang makakaya. Kaya di tayo dapat ganun mga kapatid. Ibigay natin ang ating 100% para sa Panginoon.
A - Attitude (Ugali)
Lalapit ka ba sa may mga di kaaya-ayang ugali ng isang tao? Depende na yun baka kapatid o kamag-anak mo yun. Wala ka na talagang magagawa dun. Kung ibang tao ba yan, makikipag kaibigan ka pa ba? Sa iba, ang sagot nila - di na. Para sa akin ay dedestansya ako nang kaunti pero kaiibiganin din naman. Ito yung ugali na hiniwalay sa mabuti. Ang pag uugali ay namana at natutunan. Ito din ay sadyang kagustuhan nang bawat tao. May pipiliin tayo. Piliin natin ang mabuting pag uugali. Piliin natin ang pagiging excellent. Piliin natin ang tamang gawin. Piliin natin ang katotohanan. Piliin mo ang Diyos kaysa sa ibang bagay na walang kwenta. Piliin nating magsamba sa kanya basta Linggo. Piliin natin magdasal. Piliin magpraktis kaysa lakwatsa.
R - Responsible (Responsable)
May responsibilidad ang bawat isang tao sa kanyang kapwa tao lalong lalu na sa ating mga kapatid sa worship team. May responsibilidad tayo sa ating mga instrumento na dapat linisin bago gamitin at ilagay sa tamang lalagyan para hindi madaling masira. Responsibilidad natin ang ating sarili na maging mahusay sa lahat nang bagay. Resposibilidad nating ang maglingkod sa Panginoon nang buong puso at katapatan.T - Teachable
Ibang miyembro nang Worship ay di ginagabayan ang mga bago o ang mga di masyadong marunong sa pagtugtug. Sila yung may bilib sa sarili at di mapagsabihan. Di dapat nating kalimutan na may nag nakaka angat sa atin sa posisyon at sa mga nakakatanda sa atin. Dapat tayo rumespeto sa kanila at igalang ang kanilang pangangaral. May wisdom doon sa mga kanilang payo. Kaya nga makinig tayo sa mga nagdaang karanasan nila at may mapupulutan natin nang leksyon. Ito din ay nagpapatnubay sa ating buhay. Alamin ang dapat alamin na may pagkukumbaba. Magpaturo tayo para sa ganun pag tayo naman ang nasa posisyon nila, tayo naman ang magtuturo sa mga bago.Abangan po ninyo ang susunod na post. Kung meron kayong katanungan, ibahagi sa mga kumento. Salamat po.
Magbigay nang kumento ayon sa inyong nabasa. Kung meron kayong karagdagang impormasyon mainam po na magmungkahi nang solusyon sa impormasyon na nabasa. Salamat po!
Comments
Post a Comment