Ang pagsunod sa Hilig ng Laman ay naghahatid sa kamatayan,
ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan.
Romans 8:6
Ang dali po nating gawin ang lahat ng ating gusto, ngunit ito po ay may kabayaran. San man tayo pumunta, di man tayo nakita nang ibang tao pero mayroong Diyos na nakatanaw sa atin. Lalong-lalo na ang Banal na Espiritu.
Itong salita nang Diyos ay ating isa puso at kailangan nating pigilan ang ating sarili sa kapahamakan na dulot nang ating payak na paniniwala. Ito naman po ay nagbabala sa atin na kailangan din na may kasamang sakripisyo sa sarili.
Totoo pong tayo ay nasa ating makasalanang estado kung pagbabasihan ay ang pagtanaw sa ating ng Panginoon, ngunit hindi nangahuhulugan na tayo ay walang magagawa. Meron po.
Nasa ating ang kontol ng ating sarili. Nasa ating ang desisyon. Mahirap po talaga, lalong-lalut na kung nalipon po tayo ng makamundong pag iisip at gawain.
Subalit, may Diyos na tutulong sa oras ng ating pangangailangan. Naniniwala po ako na nakikinig ang Panginoon sa ating hinaing at dalangin.
Tayo po ay manalangin sa oras na ito na tayo ay makasalanan at isuko nating ang ating buhay kay Hesu-Kristo ating Diyos.
Comments
Post a Comment