Bakit ako late sa praktis nang team?
Natanong na po ba ito sa inyong sarili? Marahil ay madalas itong nang yayari sa atin o sa ating mga kasamahan sa grupo. Ngunit bakit nga ba tayo na ay na le-late sa praktis..?
Kung di man ito madalas mangyari sa araw-araw, ito ay ating mapapansin sa mga aktibidadis na panglingguhan o sa mga weekly schedule natin. Sa mga event po weekly, ito ay na set na schedule at maagang inanunsyo. Marami tayong kaibigan na nag papaalala sa atin.
Ang sagot sa tanong na ito ay nasa PAG UUGALI na natin.
Masakit po makarinig nang sermon ng ating mga kasamahan kung tayo ay laging late at mapagsabihan. Agree po ba kayo dun? Medyo may kurot sa ating puso na nagsasabing may mali tayong nagawa. Alam po nating sa ating sarili ay may naagrabyadong tao dahil na late tayo. Sana ganun yung feeling na may pagkukumbaba sa sarili at sabihin ang dahilan. Lahat naman po ay na leleyt at may matibay na rason. Pero kung ito ay madalas na nangyayari.. Hmmm. Esep-esep po tayo nang paraan.
Mga rason na leyt po ang member nang team:
- Matagal gumising
- Traffic - bagal tumakbo nang sasakyan
- Walang Tubig
- Nautusan ni NANAY o TATAY
- Walang Pera
- Nanunuod pa nang mga video sa facebook
- May bisita
- Walang Masasakyan
- Umulan
- Walang pang tao doon sa venue
- Walang nag text at nag papaalala
- May kaaway sa labas nag aabang
- Di pinayagan
Madami tayong dahilan minsan, minsan din tumataas na ang mga boses at di magpapatalo pag nasabihan. Pero sana wag nating makalimutan ito ay reflection nang ating pagkatao.
May solusyon po ang lahat. Kailangan natin ang disiplina sa sarili.
Comments
Post a Comment