Pag nakapasok na ang isang bagong gitarista o miyembro sa worship team, ito din ay may nakalaang mga gawain na dapat niyang sundin. Iba't iba ang mga palutuntunin nang bawat Worship team ng mga simbahan. Upang maging epektibo at lumalim pa ang pananampalataya sa Panginoon Hesus, ito po ay mga suhesyon lamang at hindi po ito nangangahulugang lubos na sundin nang lahat nang mga sumasamba sa ating Diyos.
1. Prayer Life
- Ito po ay mahalagang bagay nang bawat miyembro nang worship team sa kanyang paglalakbay kasama ang pananampalataya niya. Hindi mag tatagumpay ang mga nasa Worship team kung wala ang prayer life. Pinagkukunan natin nang lakas bawat araw ang ating Panginoon, sa pamamagitan nang panalangin na tulungan niya tayo sa mga pagsubok. Kahit gaano kahirap ang hinaharap natin, lumuhod at ibigay natin ang ating pag alala sa Panginoon. Kailangan po nating panatilihin ang komunikasyon sa Panginoon sa bawat sigundo nang ating buhay. Magbigay tayo nang panahon para sa ating pagdadasal araw-araw.
2. Journal
- Sa bawat araw, isa po ito sa mahalagang bagay na dapat gawin nang isang gitarista. Ito ay isang sistemang mapapanatili ang ating dialogo sa ating Panginoon. Dito natin sinusulat ang salita nang Panginoon na gumagabay sa atin araw-araw. Magagamit natin ito laban sa kaaway para hindi tayo malinlang. Isa din itong paraan para madagdagan ang ating kaalaman nang Banal na Kasulatan at kalooban nang Diyos. Pag mayroon pagkakataung na tayo ay magsalita sa harap nang isang grupo o sa maraming tao, mayroon tayong sandata na nakahanda at ibahagi ang Salita ng Diyos sa iba.
3. Praktis
- Para sa akin, ang tunay na praktis ay nasa bahay o kahit saan ka man basta ikaw ay nagbibigay nang panahon para matutunan ang kanta o ang tono. Ang pagiging magaling at mahusay na musikero ay isang proseso. Kailangan po talaga natin mag laan nang panahon para dito. Kaya nga malalaman natin pag di naka praktis, di masyadong maganda ang resulta. Ito ay importante kasi inaalay natin ang talento na may kasamang kahusayan sa ating Panginoon. Di dapat tayo mag alay o tumugtug na hindi isinasa puso. Ang ating Panginoon ay Hari sa lahat nang Hari kaya ibigay natin lahat nang ating makakaya para sa kanya. Ibabalik naman ng Panginoon ang pabor sa ating pag siya napasaya sa ating musika. Ang Banal na Espiritu ay samamahan tayo.
Magbigay nang kumento ayon sa inyong nabasa. Kung meron kayong karagdagang impormasyon mainam po na magmungkahi nang solusyon sa impormasyon na nabasa. Salamat po!
Comments
Post a Comment