Ang pagiging membro nang worship team ay seryosong bagay na dapat tuonan nang pansin. Hindi ito labanan nang mga talento sa pagkanta o talento sa pagtugtug nang instrumento, ngunit tayo ay tinawag nang Panginoon sa gawain na ito.
Marami din tayong mga kaibigan na sumali sa worship team na may talento ngunit hindi sila nanatili sa team kasi may iba sila gustong gawin. Siguro di nila nakita ang tunay na kahalagahan at kaligayahan sa paglingkod sa Diyos.
Hindi lahat nang musikero ay para sa worship team, madami tayong kakilala na mas ginusto pa nilang tumugtug sa mga restaurant at bar kaysa sa paglingkod sa Panginoon. May ibang tao, ito naman ay hanapbuhay at diyan sila kumikita. Sa bawat tao, ang Panginoon ay naglaan ng panahon para tayo ay lalapit sa kanya. Naniniwala ako na may panahon din na sila ay tatawagin nang Panginoon at maglingkod sa kanya.
Marami din tayong mga kaibigan na sumali sa worship team na may talento ngunit hindi sila nanatili sa team kasi may iba sila gustong gawin. Siguro di nila nakita ang tunay na kahalagahan at kaligayahan sa paglingkod sa Diyos.
Ito ang aking nakikitang benepisyo sa pagiging Worship Minister:
1. Ang pagiging sundalo nang Panginoon sa musika
1. Ang pagiging sundalo nang Panginoon sa musika
- Si satanas ay miembro nang Music Team sa langit, pinagkatiwala nang Diyos sa kanya ang musika ngunit dumating ang araw na gusto na niyang katulad nang Diyos na makapangyarihan ngunit ito ay di maaari. Sa presenya ng Diyos si Lucifer ay nagkasala sa puso. Tinapon ng Diyos si Lucifer sa Daigdig kasama ng kanyang musika at ito nag iba ng tinig. Ginamit ni satanas ang musika para makasira nang buhay lalong lalo na ang mga kabataan. Kaya gamitin din natin ang binigay nang Diyos sa atin na musika sa ating puso upang dadaloy ang Banal na Espirito sa ating buhay na magdadala nang kaligtasan at pagmamahal na galing sa ating Diyos Ama. Labanan ang musika nang kadiliman!
2. Malapit sa Diyos
- Araw-araw na pagpapala at gabay nang Banal na Espirito. Naalala niyo ba si Haring David, isa din siyang mahusay na musikero. Tinugtugan niya si Haring Saul para umalis ang masamang espirito na bumabalot sa kanya. Pero kinalaban parin ang batang David kinalaunan ay naging Hari sa buong Israel. Ang Diyos ay Espirito at ang musika ay spirito din. Sa Diyos galing ang musika. Ang musika na galing sa langit ay nagbibigay daan para makalapit sa ating Diyos.
3. Makadagdag nang kaalaman
- Sa panahon nang praktis at prayer meeting, nahuhubog ang ating kaalaman tungkol sa ating Panginoon at sa mga bagay-bagay sa mundo. Isa na rito ang pagkatanggal nang takot na mag dasal sa maraming tao o magdasal para sa sarili. Ang takot at hiya ay nawawala pag ito ay inaalay mo sa Panginoon.
4. Kapayapaan at kagalakan
- Naniniwala ako na nagdadala nang kapayapaan at kagalakan ang paglingkod sa ating Panginoon at sa kanyang mga anak na sumasamba sa kanya. Alam mo sa kalooban mo na napapasaya mo ang Diyos at ang mga tao sa musikang panglangit. Di man tayo sikat sa mundo, sikat naman tayo sa ating Panginoon. Nakakagaan nang kalooban pag tayo ay nagsamba at ginamit nating ating tinig ang talento sa pagtugtug para kanya, parang wala tayong hahanapin pa.
Marami pa ang mga benepisyo sa pagiging worship minister, ilan lang ito sa mga biyaya nang Panginoon sa atin. Kung may alam kayo at suhesyon, pwede po kayo mag comment. God bless!
Comments
Post a Comment