Posts

Showing posts from July, 2017

Ang paggalang at Pagsunod

Image
"Ang Paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan,  ngunit walang halaga sa mga mangmang ang aral at mga saway." Mga Kawikaan 1:7  (Proverbs 1:7) Sa maraming paraan natin mapakita ang ating paggalang at pagsunod sa Panginoon. Sa pag alam nang kanyang Salita, tayo ay natutu at malalaman natin ang kabuluhan sa ating buhay at sa mga bagay sa araw-araw. Pero di natin dapat isawalang bahala ang ating takot at pagsunod sa mga utos nang Diyos sa atin. 

Ang Mangangaral 3:1 - May tamang panahon sa lahat ng bagay

Image
May kasabihan tayo na "Bilog ang Mundo", minsan nasa itaas, minsan naman nasa ilalim. Lahat nang nangyari sa atin ay may layunin. Ibang pangyayari sating buhay ay naghahatid nang leksyon para tayo matutu sating mga kamaliaang nagawa. Depende na sa isa't isang saloobin at sa kanyang pag tugon sa hamon ng buhay. Kaya kailangan nating magtulungan. Kailangan natin alamin ang mga bagay na dapat nating alamin. Patungkol naman sating spiritwal, tayo po ay manalangin sa Panginoon Hesus na gabayan tayo palagi sa ating ginagawa araw-araw.  Basahin po nating ang kanyang Salita.. alamin natin. Mayroon po tayong kaaway na sadyang sisirain ang ating buhay. Pero Si HESUS na sa ating puso ay ang pinaka makapangyarihan sa lahat.

Babalik sayo ang iyong ibinigay

Image
Sa Lucas 6:38 "Magbigay kayo at kayo'y bibigyan gn Diyos; hustong takal, siksik, liglig, at umaapaw pa ang ibibigay sa inyo. Sapagkat ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo."

Tawag nang Panginoong Hesus

Image
Ngayong pong araw na ito. Maraming pong mangyayaring sa ating buhay. Mayroon tayong mga plano na dapat nating gawin, trabaho na dapat tapusin, mga bagay na ating inaasam at mga pangarap na minimithi. awtministry.blogspot.com Pero sana di mangyari sa ating mga buhay na puro na lang trabaho at mga bagay na walang kabuluhan ay mangingibabaw sa lahat nang panahon. Sana unahin natin ang Panginoong Hesus sa pamamagitan nang pagbasa nang kayang Salita at makiusap sa kanyang panalangin araw-araw. Ito po ay isang maliit na bagay na dapat di natin kaligtaan sa bawat araw. Sana makinig tayo sa tawag nang Panginoong Hesus sa bawat sandali nang ating buhay. Sana sa maikli na panahon at pangungusap na binigay nang Diyos, ating po Siya'y pasalamatan.

Salamat Panginoon

Image
Salamat Panginoon Hesus sa araw na ito. Binibigay ko po lahat ng aking dinadalangin sa inyo. Salamat po sa buhay na walang hanggan. Salamat po sa inyong ginawa. Salamat Lord sa pagbigay nang biyaya sa kaalaman, proteksyon, at pagmamahal.